SORT STORY OF A DREAMER

Lihim na Iniliham





Ni Freya B. Urcia





 





May

nagmamahal na ba sayo? Kung wala ay bahala ka. Lahat ibibigay sayo, basta't

bayaran mo. Kaya ko naman gawin ang lahat basta wag lang matulog nang mulat.

Para lamang sayo oh mahal ko, basta't bayaran mo.





            Ganito ba pag nasasaktan? Hindi na

ba kayang maging seryosong muli? Naging matigas na nga ba itong puso? O idadaan

mo na lang ba sa ibang paraan masabi mo lang na mahal mo siya? Ako nga pala si

Fille. At ito ang istorya ng buhay pag-ibig ko o hmm..ito ang istorya ng buhay

sa pag-ibig.





            Mag-aanim na taon na kaming

magkaibigan nitong Tsong Kiefer ko. Palagi kaming nagkakasama sa school. May

pagkamahiyain kasi to sa iba pero pag kami ang magkasama parag baliw naman kung

umasta. Pero wag ka, sa basketball, hari to ng court kasi varsity ng basketball

tong si Tsong. Kaya ayon, mula noon itinuring ko na syang best buddy ko nang

hindi niya alam. Mahal na mahal ko yon na kahit may pagkawirdo ang mga kwento

eh nandito lang ako palagi para pakinggan sya at ganoon din naman sya sa akin.

Kahit na ganoon sya, isang bagay lang ang alam kong tunay niyang sineryoso at

ito ay ang naramdaman nya para kay Mikka. Limang taon nang minamahal ni Kiefer

yon pero hindi nalaman ni Mikka na ganoon nga ang naramdaman ni Kiefer.





            Dahil sa sobrang close namin ni

Kiefer, halos lahat yata ng bagay na tungkol kay Mikka ay nakwento na niya,

bago ko simulang isa-isahin, ikukwento ko muna kung paano sila nagkakilala.

Dahil sa hindi kami block section sa pinag-aaralan naming paaralan, sa isang

minor subject namin naging kaeskwela si Mikka, psychology ang course niya at

kami naman ni Tsong ay Med.Tech. Sa kadahilanang nais makilala at matandaan ng

aming professor ang bawat isa ay inayos niya kami nang pa-alphabetical. Ni-roll

call na kami ni Ma’am, “Ravena, beside Rapocnat and Reyes proceed after

Ravena.” Ravena nga pala ang apelyido ni Kiefer at Reyes naman ang kay Mikka.

At ako naman ay nakapwesto sa likod nung dalawa dahil Tiwalag ang aking

apelyido. Dahil medyo may pagkatsismosa ako at hindi naman ako kabingihan ay

naririnig ko pag minsan ang usapan nung dalawa kapag ganitong subject, aba at

sa isip isip ko lang may pagkamahiyain itong si Tsong ko pero nakukuha niyang

makausap tong si Mikka. Aha! Kaya pala, narinig ko lang naman na player din

pala itong si Mikka, kaso eh sa volleyball itong si ate. Kaya pala naman

nagkakasundo itong dalawang ito. Yon ang simula ng love story nitong si Tsong

kay Mikka. Yaong sa kanya lang ang nagsimula kasi nahulog kaagad ang kanyang

loob kay Mikka nung mga araw na iyon. At sa tuwing nagkakaroon ng practice ang

lahat ng players, palagi silang nakakapag-usap ni Mikka. Ako naman ay

nagpupunta munang library para magkasabay kaming umuwi. Madalas bago kami umuwi

ay nagfofoodtrip muna kami ni Tsong sa mga nagtitinda ng kung ano ano sa

madaanan naming pauwi. Ayan, balik ako doon sa mga bagay na nakukwento niya

tungkol kay Mikka. Nandiyan yung ikinukwento ni Tsong ang paboritong ulam daw

ni Mikka at alam niyo kung ano, hotdog daw. Dahil parang sa bago lang nagkaroon

muli ng volleyball ditto sa campus naming ay hindi pa masyadong ganoon ka-stick

yung volleyball group kaysa sa basketball group na may libreng lunch palagi na

galing sa coach nila. Kaya naman si Mikka eh palaging nagmamaluto, ang iba

niyang kasamahan ay kumakain sa labas, kaya pinipili niyang sa may bleacher na

lang siya kumain. Kung minsan ay sinasabayan ni Tsong si Mikka sa pagkain, ayon

na rin sa kwento niya, at nandoon sa pagkukwento niya ay tila ba patuloy na

nahuhulog ang kanyang loob kay Mikka. Nakukwento rin ni Kiefer na nagkukwento

rin si Mikka tungkol sa kanyang pamilya, nandoon na ulila nang lubos si Mikka

at ang kanyang kasama sa buhay ay ang kanyang tita, na nagpapa-aral sa kanya.

Napakasipag ni Mikka sapagkat tuwing gabi ay sumasideline siya bilang

sekretarya o tagasulat ng isang guro na kumara ng kanyang tita, dahil nga sa

daming gastusin at bayarin sa eskwela ay kinakailangan niyang gawin ito bukod

pa sa kanyang araw araw na pagpapractice ng volleyball sa school. Na kahit

papaano ay nakatutulong iyon bilang scholarship niya. Nakakalungko mang isipin,

ngunit ako’y saludo sa pagtitiis at pagkamasipag ni Mikka bagamat di ko siya

ganoong kilala. Dahil na rin sa sinseridad ng pagkukwento ni Tsong ay talagang

nahipo ang aking puso sa kalagayan ni Mikka. Kaya palagay ko’y isa iyon sa mga

nagpasidhi at nagsilbing inspirasyon kung bakit minahal ni Tsong Kiefer si

Mikka. Marami siyang naikukwento sa akin na tungkol kay Mikka at sa sobrang

dami ay dumating sa puntong siya na lang yung pinakikinggan ko at lahat g

kwento niya. Duamting yung mga oras na nagging tikom na yung bibig ko para ako

naman ang magpahayag at magkwneto naman sa kanya. At dumating yung mga araw na

wala nang kumustahan man lang dahil si Mikka na lang ang kanyang bukambibig.

Kahit na mag-iisang taon na ang nakalipas mula noong pumanaw si Mikka, oo

mag-iisang taon na, nabalitaan na lamang namin isang araw noon sa mga kateam ni

Mikka na nagkasakit pala si Mikka ng pneumonia, dahil hindi agad naagapan ay tuluyan nan gang nawala si Mikka. Nakakalungkot na

pangyayari, sino ba naming hindi malulungkot, pero ang mas nakakalungkot eh

hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Tsong na wala na nga si Mikka.

Yung halos ba sa araw araw na nagkakasama kami, patuloy pa ring yung mga alaala

nila ni Mikka na magkasama ang kanyang baong kwento. Ang sakit sakit. Kung

minsan nga eh paulit ulit na lang, ganoon ba kapag hindi mo naamin sa isang tao

ang nararamdaman mo? Haaay,kalian ka ba magiging tulad ng dati Kiefer, nasaan

na yung Tsong ko na miss na miss ko na. Ako naman ang pakinggan mo oh,

pakinggan mo naman itong nararamdaman ko para sayo. Pero hindi eh, hindi ko

maamin na ang dating best buddy ko noon ay sobrang mahal ko na ngayon.





            Iilang araw na lang at malapit nang

sumapit ang graduation naming. Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit kay Tsong

na matagal na naming napag-usapan ng Mommy ko na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral

ng medisina sa Europa. Hindi ako nagdalawang isip noon sapagkat inalok ito ng

tito ko, pag-aaralin niya ako at tutustusan lahat ng pangangailangan ko. Isang

malaking oprtunidad ito kaya labis ang aking tuwa na tinanggap ito. Okay na ang

lahat, ang pag-alis ko na lang ang kulang. Pero sa kabilang banda, nalulungkot

naman ako sapagkat malalayo ako sa Tsong ko, sobrang mamimiss ko siya. Magiging

okay kaya ako kung hindi ko ito maamin sa kanya? May pakialam kaya siya kung

sabihin ko ito sa kanya? Haaay. Hindi ko alam ang sasabihan ko sa kanya, paano

ako magpapaalam sa kanya. Ang hirap naman ng ganito, hindi ko alam kung paano…





            Dumating na ang araw n gaming graduation.

At iyon din ang nakatakdang araw ng aking paglisan patungong Europa. Isang gabi

bago ang graduation, sumulat ako ng liham para kay Tsong Kiefer ko:





Tsong,





            Hi

Tsong, kumusta ka? Tagal na nating di nakakapag-usap mula nung nagging sobrang

busy natin para i-comply ang mga requirements sa school bago ang graduation.

May gusto nga pala akong nais ipabatid sayo, Tsong, sa itinakdang araw ng

pagtatapos natin kasunod nito ang aking pag-alis patungong Europa para

ipagpatuloy ang aking kurso doon.Tsong napakalaking oportunidad nito kaya

tinanggap ko kasi pag-aaralin ako ni tito doon, Pasensya ka na kung hindi koi

to nasabi sayo noon. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito isisingit sa tuwing

nagkukwento ka sa akin tungkol kay Mikka noon eh. Tsong, may isang bagay pa

akong nais sabihin sayo…mahal na mahal kita Kiefer. Hindi ko akalain na

mahuhulog itong loob ko para sayo. Hindi ko rin alam kung paano ko ito

sasabihin sayo. Miss na miss na kita at sobrang mamimiss kita. Paano ba yan

Tsong, hanggang ditto na lang, congrats sa atin Tsong. Palagi kang mag-iingat.





-Fille





Lumapit

ako kay Tsong pagkatapos ng graduation ceremony at niyakap ko siya nang sobrang

higpit. “Congrats sa atin Tsong, mamimiss kita.” Tugon naman niya, “Congrats

din sa atin Tsong, loko ka ah anong mamimiss ka diyan eh magkalapit lang ang

bahay natin.” Sabay kurot sa aking pisngi. At niyakap ko ulit siay nang sobrang

higpit sapagkat ilang oras na lamang ay aalis na rin ako. Pagkatapos magpicture

taking ang lahat, tuluyan na nga kaming umuwi ni Mommy para ihatid ako patungo

sa Airport. May ihinabilin ako kay Mommy, ang liham ko para kay Kiefer, “Mi,

pag bumisita si Kiefer ditto makikibigay itong sulat sa kanya ha?” Tugon naman

ni Mommy, “Bakit anak hindi ba niya alam na paalis ka?” “Hindi po mi eh”, sabay

yuko kong sabi. “Oh siya sige pag bumisita siya ibibigay ko yan sa kanya,

mag-iingat ka dun ha. Mag-aral nang mabuti at huwag pababayaan ang kalusugan.

Huwag kalilimutang magpray palagi, oh yung bible mo dala mo na ba?” “Opo mi,

hindi ko naman nakakalimutan to”, sagot ko sa kanya. “Oh siya tara na, wagas

tayo magpaalaman, ihahatid pa nga pala kita”, pagbibiro ni Mommy. “Mommy talaga

oh”, sabay ngiti ko habang may tumulong luha sa mga mata ko. At tuluyan na nga

akong lumipad papuntang Europa. Paalam na Kiefer ko.





            Isang lingo ang nakalipas…





            Kriiiiiiiiiing… Kriiiiiiiiing…





            “Oh anak kumusta ka? Si Kiefer nga

pala nagpunta ditto kahapon. Hinahanap ka. Nagmamadali kasi siya kaya umalis

kaagad at ibinigay ko yung liham mo sa kanya bago pa siya makaalis”, pagsagot

ng Mommy ko sa aking tawag. “Ah ganoon po ba? Okay naman ako Mi, kayo kumusta

diyan? Hmm sige po Mi, tawag na lang po ako ulit”, sagot k okay Mommy at

maya-maya ay bigla na lang akong napaupo sapagkat nanghina ang aking tuhod. “Oh

sige anak, mag-iingat ka palagi.”





            Nung gabi ring iyon, nag-email sa

akin si Tsong ko:





To: Fille Tiwalag





            Hi

Tsong! Kumusta ka diyan sa Europa? Ang daya mo hindi ka man lang nagpaalam

sa’kin bago ka umalis, Kaya pala ang higpit-higpit mo yumakap nung graduation

at sinabi mong mamimiss mo ko. Pasensya na nung nakaraan, pasensya kung hindi

kita nakakamusta man lang. Sorry kung naging bulag ako. Ikaw yung palaging

nandiyan para sa’kin, sorry kung hindi ko nakita yung mga bagay na ginagawa mo

para sa akin. Sorry Tsong. Miss na miss na kita Tsong. Namimiss ko na yung

pag-uusap natin at yung pagkain natin ng kung ano-ano sa lahat ng madaanan

nating tindahan. Miss ko na rin na sunduin ka sa library. Namimiss ko na yung

cute mong paghalakhak at yung dimple mong pinipilit mong palabasin sa tuwing

nagpapatawa ka. Namimiss ko na din yung pagtulak-tulak mo sa’kin pag kinikilig

ka kay Alden. Sobrang miss ko na din yung mismong ikaw, yung Tsong ko na

sobrang masayahin. Mag-iingat ka palagi diyan. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.

Maghihintay ako Fille, dahil mahal na mahal din kita.





From: Kiefer Ravena





            Napaiyak na lang ako nang mabasa koi

to. Sobrang miss ko na si Tsong Kiefer ko. Bahala na ang panahong magtakda.

Sabi nga sa Ecclesiastes 3:1, “There is a time for everything..” Sa ngayon,

pagbubutihan ko muna ang pag-aaral ko ng medisina dito sa Europa. At saka na

muna ang love na yan. Darating din naman tayo diyan. Kaya aral muna.






Overall Rating

0

5 Star
(0)
4 Star
(0)
3 Star
(0)
2 Star
(0)
1 Star
(0)
APA

Balino, M. (2018). SORT STORY OF A DREAMER. Afribary. Retrieved from https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454

MLA 8th

Balino, Mae "SORT STORY OF A DREAMER" Afribary. Afribary, 29 Jan. 2018, https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454. Accessed 22 Dec. 2024.

MLA7

Balino, Mae . "SORT STORY OF A DREAMER". Afribary, Afribary, 29 Jan. 2018. Web. 22 Dec. 2024. < https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454 >.

Chicago

Balino, Mae . "SORT STORY OF A DREAMER" Afribary (2018). Accessed December 22, 2024. https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454