Lihim na Iniliham
Ni Freya B. Urcia
May
nagmamahal na ba sayo? Kung wala ay bahala ka. Lahat ibibigay sayo, basta't
bayaran mo. Kaya ko naman gawin ang lahat basta wag lang matulog nang mulat.
Para lamang sayo oh mahal ko, basta't bayaran mo.
Ganito ba pag nasasaktan? Hindi na
ba kayang maging seryosong muli? Naging matigas na nga ba itong puso? O idadaan
mo na lang ba sa ibang paraan masabi mo lang na mahal mo siya? Ako nga pala si
Fille. At ito ang istorya ng buhay pag-ibig ko o hmm..ito ang istorya ng buhay
sa pag-ibig.
Mag-aanim na taon na kaming
magkaibigan nitong Tsong Kiefer ko. Palagi kaming nagkakasama sa school. May
pagkamahiyain kasi to sa iba pero pag kami ang magkasama parag baliw naman kung
umasta. Pero wag ka, sa basketball, hari to ng court kasi varsity ng basketball
tong si Tsong. Kaya ayon, mula noon itinuring ko na syang best buddy ko nang
hindi niya alam. Mahal na mahal ko yon na kahit may pagkawirdo ang mga kwento
eh nandito lang ako palagi para pakinggan sya at ganoon din naman sya sa akin.
Kahit na ganoon sya, isang bagay lang ang alam kong tunay niyang sineryoso at
ito ay ang naramdaman nya para kay Mikka. Limang taon nang minamahal ni Kiefer
yon pero hindi nalaman ni Mikka na ganoon nga ang naramdaman ni Kiefer.
Dahil sa sobrang close namin ni
Kiefer, halos lahat yata ng bagay na tungkol kay Mikka ay nakwento na niya,
bago ko simulang isa-isahin, ikukwento ko muna kung paano sila nagkakilala.
Dahil sa hindi kami block section sa pinag-aaralan naming paaralan, sa isang
minor subject namin naging kaeskwela si Mikka, psychology ang course niya at
kami naman ni Tsong ay Med.Tech. Sa kadahilanang nais makilala at matandaan ng
aming professor ang bawat isa ay inayos niya kami nang pa-alphabetical. Ni-roll
call na kami ni Ma’am, “Ravena, beside Rapocnat and Reyes proceed after
Ravena.” Ravena nga pala ang apelyido ni Kiefer at Reyes naman ang kay Mikka.
At ako naman ay nakapwesto sa likod nung dalawa dahil Tiwalag ang aking
apelyido. Dahil medyo may pagkatsismosa ako at hindi naman ako kabingihan ay
naririnig ko pag minsan ang usapan nung dalawa kapag ganitong subject, aba at
sa isip isip ko lang may pagkamahiyain itong si Tsong ko pero nakukuha niyang
makausap tong si Mikka. Aha! Kaya pala, narinig ko lang naman na player din
pala itong si Mikka, kaso eh sa volleyball itong si ate. Kaya pala naman
nagkakasundo itong dalawang ito. Yon ang simula ng love story nitong si Tsong
kay Mikka. Yaong sa kanya lang ang nagsimula kasi nahulog kaagad ang kanyang
loob kay Mikka nung mga araw na iyon. At sa tuwing nagkakaroon ng practice ang
lahat ng players, palagi silang nakakapag-usap ni Mikka. Ako naman ay
nagpupunta munang library para magkasabay kaming umuwi. Madalas bago kami umuwi
ay nagfofoodtrip muna kami ni Tsong sa mga nagtitinda ng kung ano ano sa
madaanan naming pauwi. Ayan, balik ako doon sa mga bagay na nakukwento niya
tungkol kay Mikka. Nandiyan yung ikinukwento ni Tsong ang paboritong ulam daw
ni Mikka at alam niyo kung ano, hotdog daw. Dahil parang sa bago lang nagkaroon
muli ng volleyball ditto sa campus naming ay hindi pa masyadong ganoon ka-stick
yung volleyball group kaysa sa basketball group na may libreng lunch palagi na
galing sa coach nila. Kaya naman si Mikka eh palaging nagmamaluto, ang iba
niyang kasamahan ay kumakain sa labas, kaya pinipili niyang sa may bleacher na
lang siya kumain. Kung minsan ay sinasabayan ni Tsong si Mikka sa pagkain, ayon
na rin sa kwento niya, at nandoon sa pagkukwento niya ay tila ba patuloy na
nahuhulog ang kanyang loob kay Mikka. Nakukwento rin ni Kiefer na nagkukwento
rin si Mikka tungkol sa kanyang pamilya, nandoon na ulila nang lubos si Mikka
at ang kanyang kasama sa buhay ay ang kanyang tita, na nagpapa-aral sa kanya.
Napakasipag ni Mikka sapagkat tuwing gabi ay sumasideline siya bilang
sekretarya o tagasulat ng isang guro na kumara ng kanyang tita, dahil nga sa
daming gastusin at bayarin sa eskwela ay kinakailangan niyang gawin ito bukod
pa sa kanyang araw araw na pagpapractice ng volleyball sa school. Na kahit
papaano ay nakatutulong iyon bilang scholarship niya. Nakakalungko mang isipin,
ngunit ako’y saludo sa pagtitiis at pagkamasipag ni Mikka bagamat di ko siya
ganoong kilala. Dahil na rin sa sinseridad ng pagkukwento ni Tsong ay talagang
nahipo ang aking puso sa kalagayan ni Mikka. Kaya palagay ko’y isa iyon sa mga
nagpasidhi at nagsilbing inspirasyon kung bakit minahal ni Tsong Kiefer si
Mikka. Marami siyang naikukwento sa akin na tungkol kay Mikka at sa sobrang
dami ay dumating sa puntong siya na lang yung pinakikinggan ko at lahat g
kwento niya. Duamting yung mga oras na nagging tikom na yung bibig ko para ako
naman ang magpahayag at magkwneto naman sa kanya. At dumating yung mga araw na
wala nang kumustahan man lang dahil si Mikka na lang ang kanyang bukambibig.
Kahit na mag-iisang taon na ang nakalipas mula noong pumanaw si Mikka, oo
mag-iisang taon na, nabalitaan na lamang namin isang araw noon sa mga kateam ni
Mikka na nagkasakit pala si Mikka ng pneumonia, dahil hindi agad naagapan ay tuluyan nan gang nawala si Mikka. Nakakalungkot na
pangyayari, sino ba naming hindi malulungkot, pero ang mas nakakalungkot eh
hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Tsong na wala na nga si Mikka.
Yung halos ba sa araw araw na nagkakasama kami, patuloy pa ring yung mga alaala
nila ni Mikka na magkasama ang kanyang baong kwento. Ang sakit sakit. Kung
minsan nga eh paulit ulit na lang, ganoon ba kapag hindi mo naamin sa isang tao
ang nararamdaman mo? Haaay,kalian ka ba magiging tulad ng dati Kiefer, nasaan
na yung Tsong ko na miss na miss ko na. Ako naman ang pakinggan mo oh,
pakinggan mo naman itong nararamdaman ko para sayo. Pero hindi eh, hindi ko
maamin na ang dating best buddy ko noon ay sobrang mahal ko na ngayon.
Iilang araw na lang at malapit nang
sumapit ang graduation naming. Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit kay Tsong
na matagal na naming napag-usapan ng Mommy ko na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral
ng medisina sa Europa. Hindi ako nagdalawang isip noon sapagkat inalok ito ng
tito ko, pag-aaralin niya ako at tutustusan lahat ng pangangailangan ko. Isang
malaking oprtunidad ito kaya labis ang aking tuwa na tinanggap ito. Okay na ang
lahat, ang pag-alis ko na lang ang kulang. Pero sa kabilang banda, nalulungkot
naman ako sapagkat malalayo ako sa Tsong ko, sobrang mamimiss ko siya. Magiging
okay kaya ako kung hindi ko ito maamin sa kanya? May pakialam kaya siya kung
sabihin ko ito sa kanya? Haaay. Hindi ko alam ang sasabihan ko sa kanya, paano
ako magpapaalam sa kanya. Ang hirap naman ng ganito, hindi ko alam kung paano…
Dumating na ang araw n gaming graduation.
At iyon din ang nakatakdang araw ng aking paglisan patungong Europa. Isang gabi
bago ang graduation, sumulat ako ng liham para kay Tsong Kiefer ko:
Tsong,
Hi
Tsong, kumusta ka? Tagal na nating di nakakapag-usap mula nung nagging sobrang
busy natin para i-comply ang mga requirements sa school bago ang graduation.
May gusto nga pala akong nais ipabatid sayo, Tsong, sa itinakdang araw ng
pagtatapos natin kasunod nito ang aking pag-alis patungong Europa para
ipagpatuloy ang aking kurso doon.Tsong napakalaking oportunidad nito kaya
tinanggap ko kasi pag-aaralin ako ni tito doon, Pasensya ka na kung hindi koi
to nasabi sayo noon. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito isisingit sa tuwing
nagkukwento ka sa akin tungkol kay Mikka noon eh. Tsong, may isang bagay pa
akong nais sabihin sayo…mahal na mahal kita Kiefer. Hindi ko akalain na
mahuhulog itong loob ko para sayo. Hindi ko rin alam kung paano ko ito
sasabihin sayo. Miss na miss na kita at sobrang mamimiss kita. Paano ba yan
Tsong, hanggang ditto na lang, congrats sa atin Tsong. Palagi kang mag-iingat.
-Fille
Lumapit
ako kay Tsong pagkatapos ng graduation ceremony at niyakap ko siya nang sobrang
higpit. “Congrats sa atin Tsong, mamimiss kita.” Tugon naman niya, “Congrats
din sa atin Tsong, loko ka ah anong mamimiss ka diyan eh magkalapit lang ang
bahay natin.” Sabay kurot sa aking pisngi. At niyakap ko ulit siay nang sobrang
higpit sapagkat ilang oras na lamang ay aalis na rin ako. Pagkatapos magpicture
taking ang lahat, tuluyan na nga kaming umuwi ni Mommy para ihatid ako patungo
sa Airport. May ihinabilin ako kay Mommy, ang liham ko para kay Kiefer, “Mi,
pag bumisita si Kiefer ditto makikibigay itong sulat sa kanya ha?” Tugon naman
ni Mommy, “Bakit anak hindi ba niya alam na paalis ka?” “Hindi po mi eh”, sabay
yuko kong sabi. “Oh siya sige pag bumisita siya ibibigay ko yan sa kanya,
mag-iingat ka dun ha. Mag-aral nang mabuti at huwag pababayaan ang kalusugan.
Huwag kalilimutang magpray palagi, oh yung bible mo dala mo na ba?” “Opo mi,
hindi ko naman nakakalimutan to”, sagot ko sa kanya. “Oh siya tara na, wagas
tayo magpaalaman, ihahatid pa nga pala kita”, pagbibiro ni Mommy. “Mommy talaga
oh”, sabay ngiti ko habang may tumulong luha sa mga mata ko. At tuluyan na nga
akong lumipad papuntang Europa. Paalam na Kiefer ko.
Isang lingo ang nakalipas…
Kriiiiiiiiiing… Kriiiiiiiiing…
“Oh anak kumusta ka? Si Kiefer nga
pala nagpunta ditto kahapon. Hinahanap ka. Nagmamadali kasi siya kaya umalis
kaagad at ibinigay ko yung liham mo sa kanya bago pa siya makaalis”, pagsagot
ng Mommy ko sa aking tawag. “Ah ganoon po ba? Okay naman ako Mi, kayo kumusta
diyan? Hmm sige po Mi, tawag na lang po ako ulit”, sagot k okay Mommy at
maya-maya ay bigla na lang akong napaupo sapagkat nanghina ang aking tuhod. “Oh
sige anak, mag-iingat ka palagi.”
Nung gabi ring iyon, nag-email sa
akin si Tsong ko:
To: Fille Tiwalag
Hi
Tsong! Kumusta ka diyan sa Europa? Ang daya mo hindi ka man lang nagpaalam
sa’kin bago ka umalis, Kaya pala ang higpit-higpit mo yumakap nung graduation
at sinabi mong mamimiss mo ko. Pasensya na nung nakaraan, pasensya kung hindi
kita nakakamusta man lang. Sorry kung naging bulag ako. Ikaw yung palaging
nandiyan para sa’kin, sorry kung hindi ko nakita yung mga bagay na ginagawa mo
para sa akin. Sorry Tsong. Miss na miss na kita Tsong. Namimiss ko na yung
pag-uusap natin at yung pagkain natin ng kung ano-ano sa lahat ng madaanan
nating tindahan. Miss ko na rin na sunduin ka sa library. Namimiss ko na yung
cute mong paghalakhak at yung dimple mong pinipilit mong palabasin sa tuwing
nagpapatawa ka. Namimiss ko na din yung pagtulak-tulak mo sa’kin pag kinikilig
ka kay Alden. Sobrang miss ko na din yung mismong ikaw, yung Tsong ko na
sobrang masayahin. Mag-iingat ka palagi diyan. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.
Maghihintay ako Fille, dahil mahal na mahal din kita.
From: Kiefer Ravena
Napaiyak na lang ako nang mabasa koi
to. Sobrang miss ko na si Tsong Kiefer ko. Bahala na ang panahong magtakda.
Sabi nga sa Ecclesiastes 3:1, “There is a time for everything..” Sa ngayon,
pagbubutihan ko muna ang pag-aaral ko ng medisina dito sa Europa. At saka na
muna ang love na yan. Darating din naman tayo diyan. Kaya aral muna.
Balino, M. (2018). SORT STORY OF A DREAMER. Afribary. Retrieved from https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454
Balino, Mae "SORT STORY OF A DREAMER" Afribary. Afribary, 29 Jan. 2018, https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454. Accessed 18 Dec. 2024.
Balino, Mae . "SORT STORY OF A DREAMER". Afribary, Afribary, 29 Jan. 2018. Web. 18 Dec. 2024. < https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454 >.
Balino, Mae . "SORT STORY OF A DREAMER" Afribary (2018). Accessed December 18, 2024. https://tracking.afribary.com/works/sort-story-of-a-dreamer-8454